Is Francine Diaz alluding to Orange & Lemons in “respect” post? (2025)

Viral na usap-usapan ngayon sa social media ang Kapamilya actress na si Francine Diaz at ang Pinoy pop-rock band na .

Ito’y matapos nilang parehong magtanghal sa Governor and Vice Governor's Night sa San Jose, Occidental Mindoro, nitong Martes, April 30, 2024.

Ang masaya sanang pagtatanghal ay napalitan ng hindi pagkakaunawaan nang mag-walkout ang Orange & Lemons habang nasa entablado si Francine.

Read:

WHAT HAPPENED DURING FRANCINE DIAZ’S PERFORMANCE?

Sa mga video clip na kumakalat ngayon sa social media, na mismong kuha sa event, makikita ang Orange & Lemons na nasa entablado at naghahanda na sa kanilang pagtatanghal nang biglang tawagin at papanhikin ng host si Francine sa stage.

Sabi ng host, “Bago tayo maki-jam sa ating banda, may isa munang gustong sumorpresa sa inyong lahat… palakpakan po natin, Ms. Francine Diaz!”

Pumanhik sa stage si Francine at bumati sa audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ay pag-aanunsiyo nitong hahandugan niya ang mga tao ng isang awitin, sa kabila ng handa nang mag-perform ang Orange & Lemons.

Mahihinuha ang pagkagulat sa mukha ng Orange & Lemons band na nasa likuran lamang ng aktres. Mabilis naman silang nilapitan ng staff at tila pinaliwanagan.

Habang si Francine ay patuloy ang pagkanta sa kanyang minus one song na “Love Story” ni Taylor Swift.

Sa halip na matapos nang matiwasay ay tila nagulo ang hinandang performance ng aktres dahil bukod sa mahinang sound ng minus one niyang kanta ay sinasabayan pa ito ng pagtunog ng electric guitar ng Orange & Lemons.

Kitang-kita rin ang pagkainis ng lead vocalist na si Clem Castro, na walang nagawa kundi umalis sa stage na sinundan naman ng kanyang bandmates.

ORANGE & LEMONS AIRS FRUSTRATION

Sa oras ng pagtatanghal ng Orange & Lemons ay hindi nakatiis ang vocalist na si Clem na maglabas ng sama ng loob sa nangyaring "pagsingit" sa kanilang performance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang binanggit na pangalan si Clem, ngunit mahihinuha na ang pinapatungkulan niya ay ang performance ni Francine Diaz.

Saad niya bago sila magsimulang magtanghal, “Gusto ko lang humingi ng paumanhin…

"Kailangan kong sabihin ito para sa mga artist na kasi dapat kanina pa kaming 11 nandito, e, so sana naman walang sumisingit.

“Yun lang. Respeto lang ba.

"Gusto ko lang sabihin yon kasi ayoko masira yung pag-e-enjoy natin ngayong gabi.”

FRANCINE DIAZ’S “RESPECT” POST

Matapos magtanghal ay nag-post si Francine sa kanyang Instagram Stories ng portrait niya na bigay raw ng isang fan sa Occidental Mindoro.

Ani Francine, ikinalulungkot niyang hindi nakuha lahat ng mga regalo sa kanya ng mga tagahanga matapos nitong mag-perform.

Kalakip nito ang tila pasaring ng aktres sa naging komosyon nila ng Orange & Lemons sa entablado, partikular na ang pagbanggit niya sa salitang "respect."

Mababasa sa kanyang post (published as is): “wasn't able to get all the gifts from you guys but thank you so much for spending time with me tonight kahit late na!

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

“mad respect for everyone who stayed up late. respect goes both ways. gn!!”

Is Francine Diaz alluding to Orange & Lemons in “respect” post? (1)

NETIZENS REACT TO FRANCINE-ORANGE & LEMONS CLASH

Sa social media, partikular na sa X (dating Twitter), bumuhos ang mga komento ng netizens na sumusubaybay sa on-stage clash ni Francine at ng Orange & Lemons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ilang fans ni Francine, nabastos at napahiya ang dalaga sa inasal ng banda.

Is Francine Diaz alluding to Orange & Lemons in “respect” post? (2)

Is Francine Diaz alluding to Orange & Lemons in “respect” post? (3)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa fans ng Orange & Lemons, ang banda ang napahiya sa nangyari dahil sila naman daw talaga ang mauunang mag-perform kesa kay Francine, ayon sa program flow.

Is Francine Diaz alluding to Orange & Lemons in “respect” post? (4)

Is Francine Diaz alluding to Orange & Lemons in “respect” post? (5)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

UNEXPECTED CHANGE IN PROGRAM FLOW

May isa pang lumutang na espekulasyong hindi sana magkakaproblema ang dalawang performers kundi dahil sa event organizer na nagbago raw ura-urada ng program flow.

Ayon sa isang nagpakilalang staff member mula sa sound system department ng event, maging sila ay nagulat at nalito kung sino ang dapat maunang mag-perform kay Francine at sa Orange & Lemons.

Sabi nito, "siningit" umano ng manager ni Francine ang aktres kahit na sa program flow ay mauunang mag-perform ang Orange & Lemons.

Komento ng nasabing staff sa viral video clip ng naging performance ni Francine (published as is): “hindi po namin alam kung sino po ang susundin namin, nasa program po lahat, na last po si maam francine, pero siningit pong manager ni maam francine na siya unahin kahit hindi po nila nasabihan ang orange & lemon.

“May program po kaming sinusunod, hindi lang po nagkaintindihan yung manager, organizer, at host ng event.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kami po kung ano lang yung sinabi nila yun lang po sinusunod namin, kaya po kahit kami nagulat sa nangyari.

“Nagtatanong po kami every 5minutes sa organizer para malaman po namin kung ano magging hakbang po namin sa event.”

Is Francine Diaz alluding to Orange & Lemons in “respect” post? (6)

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang pamunuan ng San Jose, Occidental Mindoro, si Francine, at ang Orange & Lemons tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Is Francine Diaz alluding to Orange & Lemons in “respect” post? (2025)

References

Top Articles
Latest Posts
Recommended Articles
Article information

Author: Otha Schamberger

Last Updated:

Views: 6746

Rating: 4.4 / 5 (55 voted)

Reviews: 94% of readers found this page helpful

Author information

Name: Otha Schamberger

Birthday: 1999-08-15

Address: Suite 490 606 Hammes Ferry, Carterhaven, IL 62290

Phone: +8557035444877

Job: Forward IT Agent

Hobby: Fishing, Flying, Jewelry making, Digital arts, Sand art, Parkour, tabletop games

Introduction: My name is Otha Schamberger, I am a vast, good, healthy, cheerful, energetic, gorgeous, magnificent person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.